Ang bayan ng Liliw ay matatagpuan sa bandang hilagang bahagi ng probinsya ng Laguna. Ang mga bayan na nakapaligid dito ay ang Nagcarlan, Rizal, Magdalena at Majayjay. Sa gawing timog ay matatanaw naman ang bayan ng Dolores, Quezon. Mahigit kumulang sa isang daan at sampung (110) kilometro ang layo nito sa Manila. Ang kabuuang sukat ng munisipalidad ay 5,680 na ektarya at binubuo ng tatlumpu’t tatlong (33) mga barangay.
Ang kapistahan ng bayan ng Liliw ay taunang ipinagdiriwag tuwing ika-29 ng Agosto bilang pasasalamat sa patron na si San Juan Bautista. Samantalang ang kapistahan naman ni San Isidro Labrador na nagsisilbing patron ng masaganang ani ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo.
Ang “Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival” naman na nagsimula noong taong 2002 ay taon-taong pinaghahandaan at ipinagdiriwang nga mga Liliweño upang bigyang halaga ang kabuhayan at industriyang nag-aangat sa turismo ng bayan. Ito ay dinadayo ng mga bisita at turista upang maranasan ang limang araw na kasayahan sa festival.
Ang tatlong pangunahing produkto ng Liliw ay ang uraro biscuits, lambanog at tsinelas. Ang uraro biscuit ay gawa mula sa isang root crop na kung tawagin ay uraro. Ang lambanog naman ay isang inumin na nanggaling sa katas ng puno ng niyog. Ang katas ay isasalin sa lutuan ng alak at papatagalin ng ilang araw hanggang sa ito ay maging lambanog. Ang tsinelas naman ang produktong higit na naging tanyag sa Liliw. Ang matitibay at dekalidad na mga tsinelas at sapatos ay talaga namang pinupuntahan ng mga turista. Ang Liliw ay tinaguriang “Tsinelas Capital ng Laguna” dahil sa patuloy na pag-unlad ng industriya sa paggawa ng tsinelas.
Image Source: Biyaheng Juan-Sided Website
Isa rin sa pinapasyalan sa bayan ng Liliw ay ang simbahan ni San Juan Bautista (St. John the Baptist Parish Church). Maraming debotong Katoliko ang regular na pumapasyal at nagpapahayag ng kanilang pananalangin dito. Ang simbahang ito ay itinayo noong 1612 at nagkaroon na rin ng rekonstraksyon matapos ang sunog na nangyari nong 1898. Natatangi ang disenyo ng simbahan at may magandang arkitekturang pinapakita gamit ang mga pulang tisa.
May mga bahay panuluyan ang maaaring pamilian ng mga bisita at turistang nais magtagal ng ilang araw sa pamamasyal. Ilan sa mga ito ay ang Balay Celina, Tree Farm, Siesta Casa Dhesenza, at 7-11 Apartelle.
Mayroon din mga resorts na maaaring puntahan ang mga mamamasyal sa bayan ng Liliw. Kabilang dito ang Batis ng Liliw, Khaylan’s Leisure Farm, Resort River Front, at Liliw Resort.
Image Source: Liliw Laguna Official Website
Isa rin sa sikat na kainan na dinadayo sa bayan ng Liliw ay ang Arabela na ipinangalan ng mag-asawang Bobby at Tonet Camello sa kanilang dalawang anak na sina Ara at Bela. Ang kanilang mga best-sellers ay ang pasta, pizza at salad.
Image Source: WordPress Website of Feastful Life
Para sa mga nagnanais na pumasyal sa bayan ng Liliw sa pamamagitan ng commute, maaari ninyong basahin ang link na ito: Paano Pumunta sa Liliw na Commute.
Tuwing kailan ang Tsinelas Festival?
Minsan last week of April or first week of May. Pasyal ka one time Sir! Nagawa pa ako ng article for Tsinelas Festival. Medyo matatagalan pa ata ang posting. Naghahanap pa ako ng history na part kasi. 🙂
[…] as the Tsinelas Capital of Laguna, Liliw has enriched the fruits of culture being one of the reaping municipalities in Laguna. Not only the […]
[…] ang bayan ng Liliw sa tatlong pangunahing produkto – tsinelas, lambanog at uraro. Ngunit may isa pang sikat na […]