Referral and Reseller Program of Liliw Tsinelas Online Store

Referral and Reseller Program of Liliw Tsinelas Online Store

Una sa lahat ay nagpapaumanhin kami dahil hindi namin naipadala noong June 30 ang email na ito. May mga ilang bagay kasi na idinagdag pa kami at inalam pa namin ang bagong shipping rates ng JRS Express. Isinama na rin namin dito ang Referral Program ng aming website. Unahin na lang muna natin ang Refferal Program dahil mas madali itong ipaliwanag.

Referral Program:

1. Ang kailangan mo lang ay mag-refer ng iyong mga kaibigan, kaopisina o kapamilya para bumili ng produkto sa liliwtsinelas.com sa pamamagitan ng Cart, Google Form o Messenger. Pwede mong gamitin ang Facebook mo para padalhan sila ng mensahe.

2. Malalaman namin kung sino ang nag-refer sa online customer dahil tatanungin naman namin sila kung sino ang nag-refer sa kanila para bumili. Aayusin din namin sa susunod ang paglalagay ng code para mas madali i-trace ang referrer.

3. Ang magiging kita mo ay P100 sa bawat tatlong pares ng kahit anong produkto na iyong maire-refer. Epektibo lamang ito sa una at ikalawang pairs ng order ng isang customer.

Halimbawang ikaw ang nag-refer kay Julia Reyes na bumili sa aming online store:
Julia Reyes (1st order, 1 pair of Claithleen – P560)
Julia Reyes (2nd order, 1 pair of Kamille – P690)
Julia Reyes (3rd order, 1 pair of Aubrey – P520)
Hindi na counted ang 3rd order ni Julia. Wala ka nang makukuhang referral fee doon.

Halimbawang ikaw ang nag-refer kay Maria Lagdameo na bumili sa aming online store:
Maria Lagdameo (1st order, 2 pairs of Gain – P520 x 2)
Maria Lagdameo (2nd order, 2 pairs of Roma – P560 x 2)
Hindi na counted ang 2nd order ni Maria dahil sa unang order pa lang niya ay nakadalawa na siya. Wala ka nang makukuhang referral fee doon.

4. Para mas marami kang kitain sa referral fee, dapat ay mag-refer ka ng iba pang mga tao. Nakalagay sa database namin ang mga pangalan ng mga customers na maire-refer ninyo kaya may paraan kami para mamonitor.

5. Ang minimum pay-out ay P300. Kung ang kabuuang referral fee mo ay P200 na (para sa anim na pares ng produkto), hindi pa namin ito maipapadala. Dapat makapag-refer ka ng siyam na pares para mapadala namin ang P300.

6. Pwede kaming mag-online transfer sa BPI, Metrobank, Landbank na walang charge. Pero kung ipapadala namin ito sa LBC, JRS o iba pang cash remittance centers, ibabawas sa inyo ang charge. Pwede naman na palakihin mo muna ang iyong referral fee bago mo ito kunin.

7. Ang mga reseller ay awtomatik na kasama na sa aming referral list. Kung nais mong maging referral agent, sagutin ang mga sumusunod:

Reseller Program:

1. Sabi nga namin sa About Page, gusto talaga namin makilala ang produktong tsinelas at sapatos ng Liliw. Nais din namin makilala ang brand na Liliw Tsinelas: Tatak Liliw. Tibay Liliw. Kaya kung nais mong maging reseller sa amin, iyon din ang brand na dadalhin mo.

2. Kung ikaw ang naunang maging reseller mula sa isang partikular na bayan, hindi na kami tatanggap ng iba pang reseller mula sa lugar na iyon. Halimbawang ikaw ang naunang maging reseller sa lugar ng Sta. Mesa, Manila, bibigyan ka namin ng access sa Facebook Page na gagawin namin: “Liliw Tsinelas sa Sta. Mesa Manila”. Ikaw ang magiging manager ng FB Page na iyon. Ikaw ang bahalang maglagay ng mga posts pero tuturuan ka namin. Bibigyan ka rin namin ng mga templates at mga tips bilang isang FB manager. Ikaw na rin ang sasagot ng mga inquiries dahil ang lahat ng sales naman mula sa FB na iyon ay magiging sa iyo.

3. Ang layunin namin sa ngayon ay magkaroon kami ng isang reseller sa bawat bayan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Kung nais mo ring maging reseller sa iba pang mga kalapit na bayan, pwede naman pero sa ngayon isang FB Page muna ang pwede naming ibigay sa iyo.

4. Mas malaki ang maaaring maging kita ng reseller kumpara sa referral. Ngunit may minimum order kami na tatlong pares. Kaya gusto talaga namin na isang reseller sa isang lugar para isang shipping lang. Ito ang mga presyo ng produktong aming binebenta sa Liliw Tsinelas Online Store kasama ang mga shipping fees mula sa Metro Manila, Luzon, Vizayas at Mindanao:

Price at Liliw Tsinelas
520
560
690

Ito naman ang mga suggested retail price (SRP) para sa aming mga resellers. Kung mapapansin ninyo, mas mababa kumpara sa presyo sa aming website. Simple lang ang dahilan, para mahimok ang mga customers na bumili sa branch na kung nasaan sila. Dahil kung parehas o mas mataas ang presyo na ibebenta ng aming mga resellers, mas pipiliin na lamang ng mga customers na bumili na lamang diretso sa aming online store.

SRP w/ Shipping in Metro Manila Branches SRP w/ Shipping in Luzon Branches SRP w/ Shipping in Vizayas Branches SRP w/ Shipping in Mindanao Branches
500 490 510 515
540 530 550 555
670 660 680 685

5. Ang kikitain ng aming resellers ay nakadepende kung ilan ang kanilang orders. Madali lang naman itong intindihin. Kung tatlong pares lamang ang order mo ang kikitain mo lang ay PhP 210. Kung walong pares naman ang order mo, kikita ka ng PhP 960. 

 

Orders at Liliw Tsinelas (pairs) Profit per Pair (PhP) Total Profit (PhP)
3 70 210
4 80 320
5 90 450
6 100 600
7 110 770
8 and above
120 960

Kahit anong klase ng produkto sa website namin, iyon ang kita mo. Halimbawang taga Metro Manila ka at may limang pares kang order sa site namin:

Sophia (Block Heels) – P670 (SRP based on the second table in #4)
Helena (Gladiators) – P540
Juliana (Flat Sandals) – P500
Donnah (Flat Sandals) – P500
Eunice (Flat Sandals) – P500
Total: P2710 – Ito ang kabuuang makokolekta mo sa iyong mga customers. Dahil lima ang order mo, ang tubo mo kada pares ay P90 (based on the table in #5) at ang kabuuang kita mo ay P450. Ang kailangan mong bayaran sa amin ay P2710 less P450 = P2260.

6. Mas malaki ang maaaring kitain para sa mga order na lampas sa walong pares. Bago namin ipagawa ang orders ninyo, kailangan muna itong bayaran. Pwede kayong magpadala sa Landbank, Metrobank, BDO, BPI at mga cash remittance centers.

Madami pa kaming mga bagong produkto ngunit inaayos pa namin ito sa website. Agad din namin kayong sasabihan kapag launching na ng aming mga bagong produkto. Sa mga nais maging reseller ng Liliw Tsinelas Online Store, mangyari lamang na puntahan ang Google Form na ito: bit.ly/2sDJWba

Tagged , ,

1 thought on “Referral and Reseller Program of Liliw Tsinelas Online Store

  1. I like Liliw Tsinelas’ colors and designs. Millennial style and looks comfortable.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close