Bilang paggunita ng Eat Bulaga sa kanilang ika-38 na anibersaryo, inihahandog nila ang Miss Millennial Philippines 2017 para sa mga dabarkads na patuloy at tapat na sumusubaybay sa kanilang programa tuwing tanghali.
Tatlumpong walong probinsiya at siyudad sa Pilipinas ang kanilang inimbitahan upang makilahok sa kompetisyon. Ang bawat probinsiya o siyudad ay magpapadala ng kani-kaniyang kandidato na magsisilbing “tourism ambassadress” at makikipagtunggali sa “beauty pageant”. Subalit hindi ito pangkaraniwang pageant na kung saaan ang ganda, talino at talento lamang ang paglalabanan. Ang bawat kandidato ay dapat magpamalas din kung paano nila maipapakilala ang ganda ng kanilang probinsya o siyudad.
Ang itatanghal na Miss Millenial Philippines ay mananalo ng isang unit ng condominium at mag-uuwi ng kalahating milyong piso.
Isa si Binibining Jozylyn Manasala sa 38 na kandidato. Siya ang hinirang ng probinsiya ng Laguna upang maging kinatawan ng lalawigan – Miss Millennial Laguna. Nito ngang isang linggo ay bumisita si Bb. Jozylyn sa bayan ng Liliw at ipinakita niya sa kanyang video post kung ano ang ipinagmamalaki ng Liliw, ang tinaguriang Tsinelas Capital of the Philippines.
Tsinelas Capital of Laguna : Liliw
3rd gala video is out! Eto na ang isa pang produkto ng napakagaling kong video editing skills bwahahaha!Presenting the TSINELAS CAPITAL OF LAGUNA: LILIW!Makikita niyo rito kung bakit ito ang bansag sa Bayan ng Liliw. Dikit dikit ang tindahan ng magagandang tsinelas, shoes, and other footwears for children, men, and women. Hindi ito magpapahuli sa lungsod ng Marikina (Shoe Capital of the Philippines) dahil bukod sa mura ay napakatitibay rin ng mga produkto ng Liliw!Isa pang agaw eksena dito sa Liliw ang Saint John the Baptist Church!Hindi na namin nakunan ang detalye pa nito sa loob kasi po linggo at may nagmimisa, pero kita mo naman na labas pa lang, mapapa-wow ka na! TBH, this is the best church that I've seen in my whole life. Sobrang breath-taking! ♥Ikaw? Ano po ang kwentong Liliw mo? 🙂 Comment it down below!!!! ↓↓↓#MissMillennialPh #EBMissMillennial #MissMillennialLaguna #TaraNaSaLaguna #TaraSaLaguna #MasayaSaLaguna #LigoNaSaLaguna #ItsMoreFunInLaguna #ItsMoreFunInThePhilippines #ExplorePh #AdventurePh #TravelPh #DiscoverPh #WhenInLaguna #WhenInLiliw #MagAliwSaLiliw #TatakLiliw #lovelocal #supportlocal
Posted by MMPH Laguna – 2017 on Friday, August 11, 2017
Presenting the TSINELAS CAPITAL OF LAGUNA: LILIW!
Makikita niyo rito kung bakit ito ang bansag sa Bayan ng Liliw. Dikit dikit ang tindahan ng magagandang tsinelas, shoes, and other footwears for children, men, and women. Hindi ito magpapahuli sa lungsod ng Marikina (Shoe Capital of the Philippines) dahil bukod sa mura ay napakatitibay rin ng mga produkto ng Liliw!
Isa pang agaw eksena dito sa Liliw ang Saint John the Baptist Church!
Hindi na namin nakunan ang detalye pa nito sa loob kasi po linggo at may nagmimisa, pero kita mo naman na labas pa lang, mapapa-wow ka na! TBH, this is the best church that I’ve seen in my whole life. Sobrang breath-taking!
Suportahan po natin ang ating kalalawigan na si Miss Millennial Laguna sa pamamagitan ng pag-like, pag-share at pag-follow sa kanyang mga social media accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/missmillenniallaguna/
Twitter: @mmphlaguna
Instagram: @missmillenniallaguna