Ang pinakaunang Liliw “Gat Tayaw” Tsinelas Festival ay inilunsad noong ika-5 hanggang ika-7 ng Abril taong 2002 kung saan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang panauhing pandangal. Simula noon hanggang ngayon ay sinubaybayan na ng marami ang taunang pagdiriwang ng Tsinelas Festival.
Marami na ang mga pagbabago at inobasyon ang ginawa simula noong unang isinagawa ang Tsinelas Festival. Sa kasalukuyan, iba’t ibang programa na ang ginagawa sa loob ng mahigit isang linggong pagdiriwang. Noong nakaraang 16th Liliw “Gat Tayaw” Tsinelas Festival, ang ilan sa mga highlights ay ang mga sumusunod: trade fair, motorcade, “Disenyo” entries, cooking contest, DEPED Night, “Retaso” workshop exhibit, street dancing competition, street party, fireworks display, carshow, Lukayuan, zumbanelas, at Muya ng Liliw.
Ito ang ilan sa mga YouTube videos na may kinalaman sa Tsinelas Festival:
16th Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival 2017 (Uploaded by Jaylord Punay)
Ito ang pinaka-latest na Tsinelas Festival. I will give this video a rating of 10/10. Astig! Ang ganda ng pagkakagawa. Malaking bagay na mayroong ginamit na drone camera. Ang ganda at ang linaw ng mga shots. Para sa mga gustong maranasan ang Tsinelas Festival, you should watch this video. This was made by LinkSwitch (Roy Villaverde).
Street Part Liliw Tsinelas Festival 2017 (Uploaded by Jaylord Punay)
Hindi ko pa nasubukan ang pumunta ng foam party ever. Mukhang ang saya ng mga nagpunta. I just hope na walang mga gulo na nangyari sa ganitong uri ng party. So far, wala pa naman akong nabalitaan na nagkaroon ng gulo o awayan sa street party. Updated din naman ako lagi since nakikita ko sa Facebook posts ng mga kaibigan kong nasa Liliw.
15th Liliw Gat Tayao’s Tsinelas Festival (Uploaded by Ariel Doria)
Ginanap ito noong April 30 hanggang May 1, 2016. Masyadong mahaba nga lang ang video pero captured naman nito ang mga pangyayari sa festival. Saka based on my internet research, Mr. Ariel Doria is my co-scholar sa UPLB. He is currently working at the Institute of Computer Science – UPLB as instructor. Astig ka bro! Magna Cum Laude. Naitaguyod mo ang Upland National Integrated High School. See you around sa LB.
Mutya ng Liliw – Tsinelas Festival 2016 (Uploaded by Vince Timmy)
Isa sa mga highlights at talaga namang inaabangan tuwing Tsinelas Festival ay ang Mutya ng Liliw. This video is more on “uncut” version. Nakapanood na naman ako ng Mutya ng Liliw dati pero never ko pa atang natapos since late na talaga natatapos. Pero ngayon ay pwede na atang mapanood sa cable TV.
Liliw Street Party During Tsinelas Festival 2016 (Uploaded by Jerson Ramos)
Astig ang fireworks! Mukhang isang malaking disco bar pala ang street party. Halos kabataan ang mga pumupunta ata sa street party. Sana nga lang ay masubaybayan talaga sila ng kanilang mga magulang upang hindi mapariwara ang kanilang mga buhay. 😉
2015 TV Patrol Southern Tagalog Report (Uploaded by Kevin Pamatmat)
Nakaka-proud na malaman na humahakot ng award ang aming bayan. Congrats sa aming bayan ng Liliw lalong lalo na kay Mayor Sulubit. Ang award ay mula sa Association of Tourism Officers of the Philippines at mula sa Diliman Preparatory School.
Liliw Tsinelas Festival 2015 (Uploaded by Brian Zagala Photography)
I like the storyline ng video. Ang ganda rin ng choice of music. Sobrang alive at hindi boring. I can really say na magaling ang gumawa ng video ng ito. Dekalidad na video.
Sarap Diva in Liliw – 2015 (Uploaded by Sherwin)
In fairness, kilala na talaga ang Liliw Tsinelas Festival since may mga media coverage na talaga kada taon.
https://www.youtube.com/watch?v=VAeA4PgRUNo
DepEd Night 2015 at Liliw Tsinelas Festival (Uploaded by Sharmie Sandoval)
I’m not sure if mga teachers sa DepEd ang mga presentors pero ang alam ko may isang gabi sa Tsinelas Festival na DepEd ang sponsor at sila ang may activity.
14th Liliw Tsinelas Festival Street Party/Foam Party in 2015 (Uploaded by Marc Cortez)
I think magugustuhan ito ng mga taong mahilig sa party-party.
Mutya ng Liliw – Tsinelas Festival 2011 (Uploaded by Vince Timmy)
Uncut version din ito. Some faces are familiar. This is more of what’s happening in the “backstage” of a pageant. Masasabi kong hindi biro ang preparation ng Mutya ng Liliw. Salute to all the production staff!
Liliw Tsinelas Festival 2008 (Uploaded by Overdrive19)
Hindi ganoong kalinaw ang video pero nakakatuwa pa ring panoorin. I like the song! Namiss ko bigla ang mga streets sa Liliw. May mga familiar na tao rin akong na-recognize doon sa mga sumama sa parada.
7th Tsinelas Festival of Liliw (Coverage by Unang Hirit) – 2008 (Uploaded by Sherwin)
https://www.youtube.com/watch?v=VL4001BGj-0\
Mutya ng Liliw from 2002-2015 (Uploaded by Yarie Arquiza)
OMG! Personal na kilala ko ang Mutya ng Liliw 2003, 2004, 2009, 2010, 2014 (pinsan ko!) Sana may updated version ang video na ito. 🙂
Kung may mga video pa kayong gustong maipalagay sa article na ito, just contact us at [email protected] or sa aming Facebook Page. Sana nga ay mayroong historical video from 2002 up to present kaso wala naman akong nakita sa YouTube. I hope you had fun while watching those videos. Bisitahin po ninyo ang aming munting bayan ng Liliw!
[…] The 15th Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival of the Municipality of Liliw, under the leadership of Mayor Ericson J. Sulubit, has been awarded as the 2017 Best Tourism Event during the 12th Department of Tourism-Association of Tourism Officers of the Philippines (DOT-ATOP) Pearl Award held October 7 in Iloilo City. […]
Magkano po pag nag padala po ako ng case ng cellphone? Or army bomb light stick? Tsaka pano po mag padala? Tas yung papadalhan ko po ng case is taga visayas tas yung army bomb po taga luzon? How much p tsaka pano mag padala? Hehe
Depende po sa bigat.
[…] Related Article: Liliw “Gat Tayaw” Tsinelas Festival Activities […]