Paano Pumunta sa Liliw na Commute?

Hindi naman lahat sa atin ay mayroong sasakyan sa tuwing tayo ay gagala o mamamasyal sa ibang lugar. Mas madali pa naman ang bumiyahe ngayon at mas maliit ang chance na maligaw kung gagamit ng Waze App. Pero habang wala pa tayong sasakyan, magtiis muna tayo sa commute. 🙂

Para sa mga nais mamasyal sa Liliw Laguna na commute lamang, ito ang maaari ninyong sakyan:

  1. From Alabang

Mayroong bus na may signboard na “Sta. Cruz” sa may South Station sa Alabang. Mayroon air-conditioned at hindi. Mas mainam na piliin mo kung saan ka kumportable.

*Fare: Alabang to Sta. Cruz = PhP 80.00 – PhP 90.00

Pagdating mo terminal ng bus sa Sta. Cruz, abang-abang ka lang ng jeep na may signboard na “Liliw-Nagcarlan.”

Fare: Sta. Cruz to Liliw = PhP 30.00
  1. From Cubao

Mayroong HM bus na may signboard na “Sta. Cruz” sa may Cubao. Nasa likod iyon ng Mang Inasal na malapit sa overpass.

Cubao to Sta. Cruz

Fare: Cubao to Sta. Cruz = P 140.00

Then same as #1 ang papuntang Liliw from Sta. Cruz.

  1. From Buendia

Mayroong DLTB bus na may sign signboard na “Sta. Cruz” sa may Buendia. Andoon naman ang terminal ng DLTB kaya hindi naman kayo maliligaw.

Fare: Buendia to Sta. Cruz = PhP 140.00

5. From SM Calamba

May daretsong van from SM Calamba to Nagcarlan. Dadaan iyon sa short cut sa may Calauan kaya mas mabilis ang biyahe. Ang terminal nila ay nasa may tapat ng Starbucks.

Fare: SM Calamba to Nagcarlan = PhP 80.00

Kapag nasa Nagcarla ka na, may dumadaan doon na jeep papuntang Liliw. Around 10-15 minutes nasa Liliw ka na.

Fare: Nagcarlan to Liliw = PhP 8.00

5. From Quezon

Kung galing ka naman sa Bicol o sa parteng Quezon, madali rin namang pumunta sa Liliw. Pumunta ka lang sa Lucban, Quezon. Ipagtanong mo kung saan ang terminal ng van na papuntang SM Calamba. Dadaan kasi iyon sa Liliw. Sa pagkakaalam ko ay dumadaan iyon sa may harap ng SLSU pero baka kasi punuan lagi kaya mas okay na sa terminal ka mismo magpunta.

Fare: Lucban to Liliw = P 50.00

Kung wala namang available na van, may jeep na papuntang Majayjay. Ipagtanong mo na lang din kung saan may nadaan na jeep doon.

*Fare: Lucban to Majayjay = P 15.00 – P 20.00

Pagdating mo sa Majayjay, may terminal doon ng jeep papuntang Liliw-Nagcarlan. Malapit sa Catholic church ang terminal.

*Fare: Majayjay to Liliw = P 10.00 – P15.00

6. Other Route

Kung sa Cubao at Buendia ka manggagaling, pwede kang sumakay sa bus na may signboard na “Lucena”. Sabihin mo sa kunduktor na ibaba ka sa may San Pablo. Kung hindi papasok ang bus sa town proper, ikaw ay ibababa sa SM San Pablo. Sumakay ka na lang ng jeep na papuntang town proper.

Sa town proper, malapit sa fire station, andoon ang terminal ng jeep na may signboard na “Liliw-Nagcarlan”.

Fare: San Pablo to Liliw = PhP 30.00

Kung sakaling gagabihin ka, mas advisable na San Pablo route ang sakyan mo. Bihira na kasi ang jeep sa Sta. Cruz na bumibyahe papuntang Liliw kapag gabi starting 8:30 PM. Ang alam ko sa San Pablo ay 24 hrs ang biyahe papunta sa Liliw. Noong college ako nauwi nga ako ng 10 PM pero may sasakyan pa rin sa San Pablo na biyaheng Liliw.

7. For Private Car

Kung galing kang Manila at may sasakyan ka, you can take the short-cut sa may Calauan. Safe naman doon. Marami na ang sasakyang dumadaan doon. In fact, kapag napunta ako sa Liliw gamit ang motor ko, doon ako nadaan.

Makikita ninyo dito sa mapa na talaga nga namang malapit kung gagamitin ang short-cut. Ang mga may pulang bilog ay Los Banos, San Pablo, Sta. Cruz at Liliw. Ang short cut ay ang light blue thick line.

Short cut to Liliw Laguna

Happy trip! Ingat sa biyahe. 🙂

PS: *Hindi ko po sigurado ang exact fare noong iba. You can comment below if you know the exact fare. I will edit it immediately.

Tagged , , , , , , , ,

10 thoughts on “Paano Pumunta sa Liliw na Commute?

  1. Hindi pa ako nakapunta sa laguna para mamasyal. Nadadaanan ko lang kapg bumibiyahe sa south. Balak kong bisitahin yung tsinelas festival. Mukhang mayaman sa kultura ang bayan mo.

    1. Sure! Next year. Samahan kita. 🙂

      1. Parang ang dali ng commute sa Liliw.
        Ano ang last trip galing liliw puei ng MaYnila?

        1. Liliw to San Pablo ay kahit mga 9PM may nabiyahe pa. Liliw to Sta. Cruz, mga 6PM po last trip. Then kapag nasa San Pablo ka na. Kahit mga 10 PM may bus paManila doon. Sa Sta. Cruz naman until 8PM lang ata ang bus.

  2. We want to visit liliw laguna although i am from san pablo laguna never ko png napasyalan ang magandang bayan ng liliw na naririnig ko lng. Kapag natuloy kmi mgbakasyon ngayn 2018 February. Thanks for the information how to go there. My place is San Pablo city Laguna.

    1. Try to visit our lovely town po. Thanks for dropping by at our website featuring Liliw Laguna. 🙂

  3. VeryFriendly and helpful!

  4. YUNG PO BANG VAN SA SM CALAMBA TO NAGCARLAN, DADAAN PO SA VILLA SYLVIA RESORT? MAS OK PO SIGURO KASI IF MAG VAN NA LANG KAMI KUNG PAGBABA NAMIN VILLA SYLVIA NA

  5. mayroon pa po ba van ng calamba sa lrt taft buendia terminal na going nagcarlan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close