Nakilala namin si Mr. Ruben Remoto Jr. dahil sa isang post niya sa Facebook Group ng mga taga-Liliw. Nakita namin ang angking talento bilang isang graphic artist at illustrator. May kakaibang husay siya sa paggamit ng photoshop.
Speed Art in Adobe PhotoshopQuick Vector -Screen Recorder : Bandicam Video Editing : Camtasia Studio Software : Adobe PhotoshopArtist : Donruben Model : Juhaina Kirstie del CarmenBackground Music : Imahinasyon By : Tj MonterdeOrigial Link : https://www.youtube.com/watch?v=rNf1pjP9R98-More information and upcoming event Kitakits po tayo sa April 29 sa Custom Thread QC Masayang Event ng Graphic Artist Philippines . <3Details : Live music by Itchyworms, Tom's Story, Brisom, Tandems '91, The Oemons, Asch, Extrapolation and our very own GAPista DonrubenWhen: April 29, 2017Time: 3pm onwards Venue: Custom Thread HQ (Blk 6 Lot 1, Don Faustino St. cor. Don Primitivo St., Holy Spirit Dr, Holy Spirit Drive, Quezon City)To join register here:https://goo.gl/forms/OkOUqSEW2EpklX7a2(Optional) Create a fundr account and a shirt design here: https://fundr.customthread.com/ >>> referral code "gapshirt" <<<Super Easy and this is all FREEEEEE!! See you!!!note:Just disable the pop-up blocker
Posted by Donruben on Monday, April 24, 2017
Si Ruben ay 22 years old na tubong Liliw Laguna. Naging makulit na estudyante ng LES (Liliw Elementary School ) at naging makulit parin naman na estudyante ng LNHS (Liliw National Highschool). Kasalukuyan siyang isang graphic artist, illustrator at beat/music producer. May isang community na sinimulan si Ruben para sa mga graphiv artist – “VECTORISTA.PH“. Ito ay isang grupo ng mga aspiring graphic artist mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Questions/Interviews:
1. Ano ang pinakagusto mong balikang memories mo sa Liliw? Bakit?
Ang gusto kong balikan sa Liliw ay ang memories namin ng mga kaibigan ko sa may gilid ng simbahan. Naghahabulan. Patos tsinelas. Patos lata. Yung moment kase na iyon ay parang lahat kami ay walang problema. The best mga kaibigan ko pero ngayon kasi halos di na kami nagkakausap sa darating na reunion nalang this 2018 siguro ang meet-up namin. Tsaka yung magpapalipad kami ng saranggola sa simbahan at sabay itatali namin sa puno ng Narra noong meron pa doon. Silungan namin iyon kapag nagpapahinga kaso ngayon inalis na sya. Ang dami kong memories na gusto balikan noon. Yung mga kasama ko nung bata – sila Jayson, George Jaime, Mark, at Nico. Basta mga batang Ilayang Mabini Street.
2. Paano ka nahilig sa rap? May nag-impluwensya ba sa iyo?
Nagstart ako mag-rap nung marinig ko si sir Andrew E year 2008 at naririnig ko ang mga kanta niya. Sabi nga ng mga kuya ko ay 90’s pa rapper si Andrew E. Nagustuhan ko talaga at sinaulo ang mga kanta niya. Tapos kapag magkakasama kaming mga kaibigan sa kainitan ay mag-rarap ako at magugulat nalang sila. Kahit mga tambay noon sa Mabini ay pinag-rarap ako palagi at sinasabi nila na “Buboy rap ka nga!” Tapos ako ay kakanta ng Itsumo or Andrew E song.
Tapos pinagpatuloy ko narinig ko ang bandang Stick Figgas, si Sir Kiko, si Sir Gloc 9, Repablikan ng Mandaluyong,at Mike Kosa ng Tondo. Sila talaga naging impluwensya ko para pasukin ko yung mundo ng RAP GAME. Hindi ko pinagsisisihan iyon dahil ngayon yung rap music ang nagpapakain sakin araw araw. Tulak lang nang tulak ng kanta hanggang sa pagtawanan nila “noon”. Kaya nga ngayon yung respeto nila di ko sapilitan na nakuha . Bagkos kusa yun. Maraming salamat.
Tanda ko noong elementary, ang drummer ko kapag nag-rarap si Sydney na taga-kalye Putol at si Gino Jimenez ng Burgos, sila ang mga solid kong kasama. Hanggang sa naging highschool ako at nagsimula akong makilala as “Donruben”.
Hanggang sa makahatak kami ng mga gusto mag-rap sa mismong bayan ng Liiliw. Until now ay buhay pa rin ang grupo. Walong taon na rin kami.
Mahal ko ang grupo ko. Sa rap scene ngayon ay money lang ang habol namin at ayaw namin ng fame. Para kapag nagkita-kita kami or anniversary ng grupo ay may handa kami. Rap lang tapos benta ng Mixtape Tahimik lang ang movement namin. Hindi madali noong una. May point pa na panghihinaan ka. May makakabanga o makaka-away sa rap music. Hindi lang rap pati yung sa pisikalan.
3. Kung may isang linya ng kanta na gusto mong ialay sa bayan ng Liliw, bukod sa mga nagawa mo nang kanta, ano iyon?
Kung tutuusin marami akong linya na gusto sa awit ko tungkol sa bayan ng Liliw. Ito ang ilan sa mga iyon:
“Pag sinabng Liliwenio, mabaet at makulet. Pag sinabeng Liliwenio, di marunong mangabet” – ito ay intro ng kantang “Taga Liliw” (https://www.youtube.com/watch?v=Ickxa2z7dBs).
1 : Pag sinabeng Liliwenio : https://www.youtube.com/watch?v=Lf45yZNm1So
2 : Halika na : https://www.youtube.com/watch?v=uPF9BJG-N6U
3 : Dear Liliw : https://www.youtube.com/watch?v=bSZfQE7jd34
4 : Liliw Foam Street Party Anthem : https://www.youtube.com/watch?v=GwXbCEsnSNU
5 : Sa Liliw : https://www.youtube.com/watch?v=MoG4cdxxdKg
6 : Bayan ng Liliw : https://www.youtube.com/watch?v=szIqRoJtU8U
7 : Gat Tayaw : https://www.youtube.com/watch?v=N4SR4UqaUl8
8 : Taga Liliw : https://www.youtube.com/watch?v=Ickxa2z7dBs
Promote ko na rin tong ” FROM LILIW MIXTAPE “. Baka po this 2017 Mailabas namin ang digital mixtape na iyan. Free download po ito at sa mga gusto rin bumili may nakahanda po kaming voucher code international.
4. Ano ang maipapayo mo sa mga kapwa natin Liliweño?
Sa mga taga Liliw po, SALAMAT po ng marami sa tunay na suporta sa amin. Salamat sa mga kumontra. Salamat amin lang po, mahalin po natin ang bayan ng Liliw. Mahalin natin at huwag hayaan na madungisan ng ibang masasamang loob yung ganda at anong galang ng mga taga Liliw. PROUD ako na taga Liliw . Lahat po tayo ang mag-iingat palagi. Salamat din sa butihin nating Mayor na di pinapabayaan ang bayan natin. Isa rin siya sa mga nagsuporta sa amin.
5. Sino ang mga nais mong batiin para sa article na ito? Share your hi’s and hello’s to them.
Sa mga nasasakupan ng Grupong Musika ng Liliw, kamusta na kayo dyan? 🙂 Stay strong sa atin at pamilya ko siyempre. Sa mga highschool friends po and batchmate. Sa mga kababayan po natin. God bless po sa ating lahat. Ako si Ruben or kilala as Donruben, and I am proud to be Liliweño.
Kung may mga kilala kayong iba pang “Amazing Liliweño”, pwede namin silang gawan ng blog feature sa aming blog. Please contact us at our Facebook Page.