Malaki ang ginampanan ng aking bayang pinagmulan – Liliw, sa paghubog sa aking pag-uugali, asal, kultura at mga prinsipyo sa buhay. Simula noong ipanganak ako hanggang sa magtapos ng high school, napamahal na sa akin ang bayan ng Liliw. Naging bihira na ang aking pag-uwi noong nagkolehiyo ako sa Los Baños. Maliban sa bakasyon at holidays, […]
Ang bayan ng Liliw ay matatagpuan sa bandang hilagang bahagi ng probinsya ng Laguna. Ang mga bayan na nakapaligid dito ay ang Nagcarlan, Rizal, Magdalena at Majayjay. Sa gawing timog ay matatanaw naman ang bayan ng Dolores, Quezon. Mahigit kumulang sa isang daan at sampung (110) kilometro ang layo nito sa Manila. Ang kabuuang sukat […]